06/10/2026
ππππππ πππππππππ ππππππππππππ πππππππ ππ
π
ππππππππ πππππππ+ ππππππππππ ππ
πππππππ
Matagumpay na isinagawa ngayong araw ang Second Semestral Consultation Meeting ng Federated LGBTQIA+ Presidents ng Cagayan na dinaluhan ng mga opisyales ng Cagayan LGBTQIA+ Association.
Pinangunahan ni Acting PSWDO Bonifacio U. Cuarteros ang nasabing pagpupulong at kanyang binigyang-diin ang layunin ng Pamahalaang Panlalawigan na "No Barangay Left Behind" sa pag-oorganisa ng sektor ng LGBTQIA+ sa bawat barangay sa buong Cagayan.
Naging pangunahing bahagi ng pagpupulong ang pagtalakay sa pag-oorganisa at pagpaparehistro ng mga asosasyon (LGBTQ+ Federations) sa Department of Labor and Employment (DOLE), na pinangunahan ni Ma'am Lailanie Macarubbo ng DOLE Cagayan.
Ipinaliwanag ni Ma'am Lailanie ang kahalagahan ng pagpaparehistro ng asosasyon sa DOLE upang magkaroon ito ng legal na personalidad. Binigyang-diin din niya na kapag rehistrado ang asosasyon, masisiguro na ang mga lehitimong miyembro lamang na kabilang sa organisasyon ang makakatanggap ng anumang tulong o assistance na ibababa para sa sektor. Tinalakay din niya ang mga kinakailangang dokumento para sa pagpaparehistro at ang proseso kung paano ito isasagawa sa bawat munisipalidad.
Layunin ng hakbanging ito na mas maging organisado, lehitimo, at maayos ang talaan ng bawat LGBTQIA+ association sa lalawigan.