Federated Civic Organization of Alaminos Laguna Inc.

Website

Federated Civic Organization of Alaminos Laguna Inc. Through volunteerism and partnerships.

"The Federated Civic Organization of Alaminos, Laguna unites citizens of the province of Laguna to promote community development, collaboration, and sustainability.

πŸ³οΈβ€πŸŒˆπŸ³οΈβ€πŸŒˆπŸ³οΈβ€πŸŒˆ
02/10/2026

πŸ³οΈβ€πŸŒˆπŸ³οΈβ€πŸŒˆπŸ³οΈβ€πŸŒˆ

Isang malaking karangalan para sa Federated Civic Organization of Alaminos Laguna Inc. (FCOA Inc.) ang maimbitahan ang a...
01/10/2026

Isang malaking karangalan para sa Federated Civic Organization of Alaminos Laguna Inc. (FCOA Inc.) ang maimbitahan ang aming Founding Chairman, Sir Loui , bilang isa sa mga piling kinatawan ng LGBTQIA+Civil Society Organizations (CSOs) na lumahok sa matagumpay na 1st DSWD Special Committee on LGBTQIA+ Affairs Dialogue na ginanap sa DSWD Central Office, Batasan Complex, Quezon City.

Ang dayalogo ay nagsilbing mahalagang pagkakataon upang marinig ang tunay na karanasan, pangangailangan, hamon, at adhikain ng LGBTQIA+ sector, partikular sa antas ng grassroots communities.

Bilang isa sa mga inimbitahang LGBTQIA+ CSO leaders, nagkaroon ng pagkakataon ang FCOA Inc. na makibahagi sa talakayan at magbigay ng real-life feedback at community-based perspectives mula sa aktuwal na karanasan ng mga LGBTQIA+ members at iba pang sektor na aming pinaglilingkuran.

Para sa FCOA Inc., mahalaga ang ganitong uri ng konsultasyon dahil ang mga polisiya, programa, at serbisyong panlipunan ay mas nagiging makabuluhan kapag nakabatay sa tunay na sitwasyon at pangangailangan ng mga tao sa komunidad.

PASASALAMAT SA MGA NANGUNA SA DAYALOGO

Taos-puso ang aming pasasalamat sa mga taong nasa likod ng pagtatatag at pagpapatuloy ng DSWD Special Committee on LGBTQIA+ Affairs at sa pagbibigay ng pagkakataon sa mga CSO leaders na maging bahagi ng isang mas malawak na konsultasyon.

Lubos naming kinikilala at pinasasalamatan sina:
Sec. Rex Gatchalian
National Secretary- Department of Social Welfare and Development
Undersecretary Pinky Romualdez
Undersecretary for Operations Group and Diversity and Inclusion Committee (DIC) Alternate Chair

Undersecretary Elen Pasion
Undersecretary and DIC Chairperson

Assistant Secretary Jezreel Maristela

Assistant Secretary Raymond Mazo

Ang kanilang pagbubukas ng pinto para sa pakikipagdayalogo sa mga grassroots organizations ay isang mahalagang hakbang upang higit na maunawaan ang iba't ibang realidad na kinakaharap ng LGBTQIA+ communities.

BAHAGI NG ISANG MAS MALAWAK NA DAYALOGO

Naging bahagi rin ng pagtitipon si Hon. Maria β€œKap G” Abalos, Barangay Chairperson ng Highway Hills, kasama ang mga kinatawan mula sa iba't ibang LGBTQIA+ advocacy groups at mga personnel ng DSWD Central Office.

Ang pagkakaroon ng iba't ibang boses sa iisang talakayan ay nagbibigay-daan upang mas malawak na makita ang mga usapin tungkol sa social protection, livelihood, education, health services, legal assistance, community participation, protection from discrimination, at access sa mga programa ng pamahalaan.

Para sa FCOA Inc., ang dayalogo ay hindi lamang isang pagkakataong magsalita, kundi isang pagkakataong makinig, matuto, makipag-ugnayan, at maghatid ng tunay na kuwento mula sa komunidad.

MULA GRASSROOTS PATUNGO SA POLICY DEVELOPMENT

Naniniwala ang FCOA Inc. na ang isang epektibong programa ay nagsisimula sa pakikinig sa mga taong direktang nakararanas ng mga suliranin.

Ang aming pakikilahok sa unang DSWD Special Committee on LGBTQIA+ Affairs Dialogue ay bahagi ng aming patuloy na layunin na maging tulay sa pagitan ng grassroots communities at mga institusyong nagbibigay ng social protection at public services.

Ang FCOA Inc. ay patuloy na handang makipagtulungan sa DSWD, mga national government agencies, local government units, advocacy organizations, at iba pang stakeholders upang makatulong sa pagbuo ng mga programang makatao, inklusibo, accessible, at tumutugon sa tunay na pangangailangan ng komunidad.

Maraming salamat sa DSWD Special Committee on LGBTQIA+ Affairs sa tiwala at pagkakataong marinig ang boses ng grassroots.

Mula sa komunidad, para sa komunidad
patuloy nating palakasin ang diyalogo, pakikipagtulungan, at pagkakaisa para sa isang mas inklusibong lipunan.

FEDERATED CIVIC ORGANIZATION OF ALAMINOS LAGUNA INC. (FCOA INC.)
Serving the community. Connecting people to assistance. Giving voice to the grassroots. (some photos courtesy of DSWD).

Be a member!
Visit and register on our website: fcoainc.org





Para sa lahat ng mga SENIOR HIGHSCHOOL na mag aaral. Para sa inyo ito! LIBRENG HAIRCUT sa darating na Oct. 17, 2026. (Wh...
29/09/2026

Para sa lahat ng mga SENIOR HIGHSCHOOL na mag aaral. Para sa inyo ito! LIBRENG HAIRCUT sa darating na Oct. 17, 2026. (Whole day 8:00 am to 5:00 pm) sa ating partner na bagong tayong JABS HAIRCUTS na matatagpuan sa 94 Fule St. Barangay 1 Poblacion, Alaminos Laguna. (sa LIKOD ng STL).

Paano makapag avail neto?
1. Mag rehistro sa FCOA website para maging miembto
search sa google fcoainc.org at sundan ang proseso.
- Gumamit ng barangay ID para sa inyong pakikilanlan.

2. I print ang FCOA sectoral ID at dalhin sa Jabs Haircuts sa araw ng pag papagupit (Oct. 17, 2026)

3. I like and share ang programang ito para sa iyong mga kaibigan at kakilala.

Tandaan: Ang programang ito ay para lang sa rehistradong miembro ng FCOA Inc.
LIBRE mag rehistro at madali. kaya't register na!



TAOS-PUSONG PASASALAMAT, FIRST LADY ATTY. LOUISE ARANETA MARCOS! πŸ‡΅πŸ‡­β€οΈπŸ’™πŸ’›Sa loob ng nakalipas na tatlong taon, lubos ang a...
28/09/2026

TAOS-PUSONG PASASALAMAT, FIRST LADY ATTY. LOUISE ARANETA MARCOS! πŸ‡΅πŸ‡­β€οΈπŸ’™πŸ’›

Sa loob ng nakalipas na tatlong taon, lubos ang aming pasasalamat kay First Lady Atty. Louise Araneta Marcos sa patuloy na pagtulong at pagbibigay-pansin sa mga adhikain ng Federated Civic Organization of Alaminos Laguna Inc. (FCOA Inc.).

Ang inyong malasakit at suporta ay naging bahagi ng aming patuloy na pagsisikap na maabot at matulungan ang 8,000 at higit pang miyembro ng iba't ibang sektor sa buong Lalawigan ng Laguna, mga ordinaryong mamamayan, manggagawa, pamilya, senior citizens, persons with disabilities, kabataan, farmers, vendors, solo parents, LGBTQIA+ community, at iba pang nangangailangan ng tulong.

Sa panahon ng bagyo, kalamidad at krisis, mas nararamdaman ng mga pamilyang nangangailangan ang kahalagahan ng mabilis na pagtutulungan. Sa bawat relief assistance at serbisyong naipararating, nabibigyan ng kaunting ginhawa ang mga pamilyang dumaranas ng matinding pangangailangan.

Ang pagtulong sa kapwa ay hindi lamang tungkol sa materyal na bagay. Ito ay tungkol sa pagbibigay ng pag-asa, dignidad at paniniwalang hindi nag-iisa ang isang ordinaryong mamamayan sa panahon ng kanyang pangangailangan.

Mula sa aming 8,000+ multisectoral members sa Lalawigan ng Laguna, maraming salamat po sa inyong patuloy na pagkalinga at pagtitiwala sa aming layunin na maging tulay ng serbisyo para sa mga nangangailangan.

Patuloy kaming maninindigan sa aming adhikain:

β€œSERBISYO PARA SA LAHAT, WALANG MAIIWAN.”

Maraming salamat po, First Lady Atty. Louise Araneta Marcos, sa patuloy na malasakit.

Mabuhay po kayo! Mabuhay ang mga Lingkod-Bayan! Mabuhay ang bawat pamilyang Pilipinong patuloy na lumalaban! πŸ‡΅πŸ‡­

SALUTE! πŸ«‘β€οΈπŸ’™πŸ’›

Federated Civic Organization of Alaminos Laguna Inc. (FCOA Inc.)
Serving the Multisectoral Communities of Laguna

Ang Federated Civic Organization of Alaminos Laguna Inc. ay patuloy na magsisirbisyo sa lalawigan Ng Laguna.Ang bawat pa...
20/09/2026

Ang Federated Civic Organization of Alaminos Laguna Inc. ay patuloy na magsisirbisyo sa lalawigan Ng Laguna.

Ang bawat pasalamat ninyo ay sapat na upang lalong pag igihin Ng Samahan ang mga serbisyo iabot sa ordinaryong tao sa laylayan.

Mag rehistro upang maging bahagi Ng mga programa. Click here: fcoa inc.org.



# serbisyongmulasasinapupunanhangganglibingan

20/09/2026

Kasama sa serbisyo referral ng Federated Civic Organization of Alaminos Laguna Inc. ang DOCTORS FEE sa MEDICAL ASSISTANCE- PCSO Guarantee letter.

Mag pa miembro na at maging bahagi ng samahan upang kayo ay matulungan. Dahil Sa FCOA INC. ang SERBISYO AY MULA SINAPUPUNAN HANGGANG LIBINGAN!

Register here: fcoainc.org

https://www.facebook.com/share/v/14sZbzCaosv/

18/09/2026

Paano nga ba mag rehistro sa fcoainc.org website para maging miembro ng samahan.

Simple lang. Panuorin ito.
Magrehistro na! Click: fcoainc.org



FCOA ASSISTTuwing Myerkules Mula 9:00 am hanggang 3:00 pm sa tanggapan ng FCOA Inc.9070 Unit 2, Along national highway, ...
14/09/2026

FCOA ASSIST
Tuwing Myerkules
Mula 9:00 am hanggang 3:00 pm sa tanggapan ng FCOA Inc.
9070 Unit 2, Along national highway, Barangay San Juan, Alaminos Laguna 4001
Landmark: Total Gas station and PTT Gas station

Paalala:

1. Siguraduhing kayo ay may dalang printed copy Ng FCOA sectoral ID kung kayo ay lalapit Ng mga assistance.

2. Kapag mag papatulong mag rehistro sa FCOA website para maging miembro- FCOA Sectoral ID. Siguraduhing dala Ang aprobadong Government issued ID at photocopy nito.



Address

Barangay Poblacion 4
Alaminos
4001

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Federated Civic Organization of Alaminos Laguna Inc. posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share