Alabatin Muna

Alabatin Muna Official page of Mayor Jose Ramil "Kuping" Arquiza of Alabat, Quezon.

Mapayapa at masaganang buhay para sa lahat ng Alabatin.
23/06/2025

Mapayapa at masaganang buhay para sa lahat ng Alabatin.

Bumisita ngayong araw sa opisina ng Punong Bayan sina Ma’am NANCY S. OGERIO, Land Management Inspector and ENGR. HAZEL G...
28/05/2025

Bumisita ngayong araw sa opisina ng Punong Bayan sina Ma’am NANCY S. OGERIO, Land Management Inspector and ENGR. HAZEL GRACE AUMENTADO, Engineer II, mga kawani ng Community Environment and Natural Resources Office (CENRO) – Calauag, para sa geotagging ng loteng kinatatayuan ng ating municipal hall at iba pang gusali. Ito ay isa sa mga requirements para sa special patent application ng ating lokal na pamahalaan upang magkaroon ng titulo ang lupang nabanggit sa ilalim ng programa ng DENR.
Matapos ang ilang taon na pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno katulad ng DENR-CALABARZON Regional Office, DENR-LMS Los Baños, at LRA-Quezon City, sa tulong ng Tanggapan ng Pambayang Tagatasa, ang mga supporting documents para sa nasabing aplikasyon ay nabuo at matagumpay na naisumite noong Nobyembre 2024.
Sa suportang ipinakita ng mga taga CENRO-Calauag, magkaroon na sana ng titulo ang lupang nabanggit at maipagkaloob ito sa panahong inilaan ng programa nila.

Humble in victory; gracious in defeat. Congrats sa lahat ng nanalo.
13/05/2025

Humble in victory; gracious in defeat. Congrats sa lahat ng nanalo.

Isinagawa ang 4K Grand Rally sa Bayan ng Alabat kasama ang ating Mananatiling Ina ng lalawigan Governor Doktora Helen Ta...
08/05/2025

Isinagawa ang 4K Grand Rally sa Bayan ng Alabat kasama ang ating Mananatiling Ina ng lalawigan Governor Doktora Helen Tan , Ang ama ng ating distrito Congressman Atty. Mike Tan, Bokal Rachel Ubana , Bokal Harold Butardo at Bokal Angelo Eduarte at syempre ang First Nominee ng 4K Partylist , Iris Montes.

Sa programang ito , binanggit ng ating Ina ng Lalawigan na sa ilang taon nya ng panunungkulan ay ngayon lang sya nag endorso ng partido na nakikitaan nyang makapagbibigay ng maayos at makataong pamamahala sa Bayan ng Alabat , di alintana ang lakas na ulan , pinahayag nya ang kanyang pagsuporta sa pamamagitan ng pag endorso kay Kgg. Jose Ramil R. Arquiza na manatiling Mayor sa bayan ng Alabat , gayun din ang binubuo ng TROPANG RAM !

Isang pinagpalang pagkakataon ito para sa bayan ng Alabat sapagkat ang ating masipag at hinahangaang Gobernadora ang nag endorso at nag pakilala sa aming partido . Sapagkat walang maiiwan sa Serbisyong Tunay at Natural , walang pababayaan ang TROPANG RAM .

Alabatin Kami , Alabatin Muna !

07/05/2025

Magandang araw po sa ating mga Alabatin. Nais ko pong ipaalam sa inyo ang aking munting PANGARAP para sa bayan ng Alabat at sa mamamayan nito sa pamamagitan ng video na ito.

Ang aking adhikain ay patuloy na paunlarin ang ating bayan sa pamamagitan ng tahimik at maayos na pamamahala. Hindi po ninyo ako mariringgan na pumatol sa mga intriga at mga isyung mababaw lamang. Dahil ito ay isang hadlang para bumagal ang serbisyo para sa taong bayan. Patuloy ko pong sinisikap na ang ating pamamahala ay makapagbigay tayo ng serbisyong pangmatagalan at pakikinabangan ng mas nakakarami.

Makakaasa po kayo na sa patuloy ninyong suporta sa akin ay ibabalik ko ng higit pa ang mga bagay na inaasahan ninyo sa abot ng aking makakaya.

Maraming Salamat po sa patuloy ninyong pagsuporta at pag unawa sa akin.

Maligayang Araw ng Miyerkules ga Alabatin.
06/05/2025

Maligayang Araw ng Miyerkules ga Alabatin.

Address

Alabat
4333

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Alabatin Muna posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share