15/09/2026
𝗕𝗨𝗪𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗪𝗜𝗞𝗔 𝗔𝗧 𝗠𝗔𝗧𝗛𝗦𝗖𝗜 𝟮𝟬𝟮𝟲 | 𝗪𝗶𝗸𝗮 𝗕𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗦𝗮𝗻𝗱𝗶𝗴𝗮𝗻, 𝗔𝗴𝗵𝗮𝗺 𝗕𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗣𝘂𝗻𝗱𝗮𝘀𝘆𝗼𝗻 𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗴𝗯𝗮𝗯𝗮𝗴𝗼 𝗮𝘁 𝗞𝗮𝘂𝗻𝗹𝗮𝗿𝗮𝗻🌾🔬
Sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika at Math-Science Month na may temang "𝐖𝐢𝐤𝐚𝐧𝐠 𝐅𝐢𝐥𝐢𝐩𝐢𝐧𝐨 𝐚𝐭 𝐀𝐈: 𝐊𝐚𝐬𝐚𝐧𝐠𝐤𝐚𝐩𝐚𝐧 𝐬𝐚 𝐏𝐚𝐧𝐚𝐧𝐚𝐥𝐢𝐤𝐬𝐢𝐤 𝐚𝐭 𝐓𝐮𝐥𝐚𝐲 𝐬𝐚 𝐘𝐚𝐦𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐈𝐦𝐩𝐨𝐫𝐦𝐚𝐬𝐲𝐨𝐧 𝐬𝐚 𝐌𝐚𝐭𝐞𝐦𝐚𝐭𝐢𝐤𝐚 𝐚𝐭 𝐀𝐠𝐡𝐚𝐦", pinatunayan ng mga Assumptionista na ang galing ng Pilipino ay hindi lamang nasusukat sa pagyaman ng sariling wika, kundi pati sa talino at inobasyon. Mula sa maringal na pagtatanghal ng mga 𝐤𝐚𝐭𝐮𝐭𝐮𝐛𝐨𝐧𝐠 𝐬𝐚𝐲𝐚𝐰 ng mga mag-aaral ng Baitang 11, hanggang sa iba’t ibang patimpalak na sumubok sa kahusayan sa 𝙈𝙖𝙩𝙚𝙢𝙖𝙩𝙞𝙠𝙖 𝙖𝙩 𝘼𝙜𝙝𝙖𝙢, ipinakita ng mga Assumptionista na ang 𝔀𝓲𝓴𝓪 ang nagsisilbing tulay ng pagkakaisa at pagkakilanlan, habang ang 𝓪𝓰𝓱𝓪𝓶 ang nagsisilbing pundasyon ng kaunlaran at pagbabago. Lalong naging masigla ang selebrasyon nang mapuno ng sigawan at palakpakan ang gymnasium — ramdam ang suporta at pagmamalaki ng bawat isa para sa kanilang mga kaklase.
Hindi rin nagpahuli ang mga magaganda at makikisig na binibini at ginoo sa 𝑳𝒂𝒌𝒂𝒏 𝒂𝒕 𝑳𝒂𝒌𝒂𝒎𝒃𝒊𝒏𝒊 2026 mula sa Baitang 11 at 12. Higit pa sa kanilang kahanga-hangang tindig at makukulay na kasuotan, isinabuhay nila ang mga halagang iniwan ng ating mga ninuno — ᴛᴀʟɪɴᴏ, ᴋᴜʟᴛᴜʀᴀ, ᴡɪᴋᴀ, ᴀᴛ ᴍᴀʟᴀᴡᴀᴋ ɴᴀ ᴘᴀɴᴀɴᴀᴡ ᴘᴀʀᴀ ꜱᴀ ᴋɪɴᴀʙᴜᴋᴀꜱᴀɴ. Nagniningning sila hindi lamang sa ganda ng anyo, kundi pati na rin sa talas ng isip na kanilang ipinamalas sa question and answer portion. Sa bawat sagot na kanilang binitiwan, napatunayan na marami pa ring mga Pilipino ang may pusong 𝗺𝗮𝗸𝗮𝗯𝗮𝘆𝗮𝗻, may 𝗽𝗮𝗴𝗺𝗮𝗺𝗮𝗹𝗮𝗸𝗶 sa sariling wika, at may 𝗱𝗲𝘁𝗲𝗿𝗺𝗶𝗻𝗮𝘀𝘆𝗼𝗻𝗴 gamitin ang talino at kultura bilang sandigan tungo sa isang mas makabuluhan at maunlad na 𝐤𝐢𝐧𝐚𝐛𝐮𝐤𝐚𝐬𝐚𝐧. at Masayang Maging Maagap sa Agham at Wika.💡🇵🇭
𝙋𝙧𝙤𝙙𝙪𝙘𝙩𝙞𝙤𝙣 𝙃𝙚𝙖𝙙:
𝘾𝙧𝙞𝙨𝙙𝙖𝙡𝙞𝙣 𝘿𝙚𝙢𝙤𝙧𝙖𝙡
𝙋𝙧𝙤𝙙𝙪𝙘𝙚𝙧:
𝙅𝙤𝙪𝙧𝙡𝙮𝙣 𝙐𝙣𝙩𝙖𝙡
𝘾𝙖𝙢𝙚𝙧𝙖 𝘿𝙞𝙧𝙚𝙘𝙩𝙤𝙧:
𝘾𝙝𝙧𝙞𝙨𝙩𝙤𝙥𝙝𝙚𝙧 𝘿𝙚𝙡𝙘𝙖𝙢𝙥𝙤
𝙃𝙚𝙖𝙙 𝘾𝙖𝙢 𝙊𝙥𝙚𝙧𝙖𝙩𝙤𝙧:
𝙈𝙖𝙧𝙘𝙤 𝘼𝙣𝙜𝙚𝙡𝙤 𝘿𝙞𝙖𝙯
𝙂𝙞𝙢𝙗𝙖𝙡 𝙊𝙥𝙚𝙧𝙖𝙩𝙤𝙧:
𝘼𝙞𝙧𝙖𝙝 𝙈𝙖𝙧𝙤𝙝𝙤𝙢
𝘾𝙖𝙢𝙚𝙧𝙖 𝙊𝙥𝙚𝙧𝙖𝙩𝙤𝙧:
𝘽𝙧𝙚𝙞𝙖𝙣𝙖 𝙎𝙤𝙛𝙞𝙖 𝙀𝙣𝙖𝙧𝙞𝙤
𝘾𝙖𝙢𝙚𝙧𝙖 𝙎𝙪𝙥𝙥𝙤𝙧𝙩:
𝘾𝙚𝙡𝙞𝙣𝙖 𝘼𝙝𝙖𝙢𝙖𝙙
𝙀𝙙𝙞𝙩𝙤𝙧:
𝘼𝙪𝙙𝙧𝙚𝙮 𝙉𝙞𝙘𝙤𝙡𝙚 𝙂𝙖𝙡𝙖𝙣