24/09/2026
Mahal naming mga Kasapi ng Prominent Filipino Peoples Association Worldwide (PFPAW),
Malugod naming ipinababatid sa lahat na mayroon po tayong dalawang (2) kasamahan na tuluyan nang umuwi sa Pilipinas o nag-“for good” nitong buwan ng Setyembre 2026.
Bilang pagsasabuhay at pagtupad sa mga alituntunin at benepisyo ng PFPAW Pabaon Program, sila po ay ating pinadalhan ng kani-kanilang Pabaon Cash Gift, na naaayon sa haba ng kanilang serbisyo at alinsunod sa umiiral na patakaran ng ating organisasyon.
Para sa Buwan ng Setyembre 2026
Ang kabuuang halaga ng Pabaon Cash Gift na naipadala ay:
MOP 26,140.00
na may katumbas na halagang
PHP 197,319.60
Samantala, mula 2022 hanggang Setyembre 2026, umabot na sa dalawampu’t siyam (29) na kasamahan na nag-“for good” ang nakatanggap at nakinabang sa ating Pabaon Program.
Ang kabuuang halaga ng Pabaon na naipamahagi sa kanila ay:
MOP 231,593.40
na may katumbas na halagang
PHP 1,675,068.20
Lubos po kaming nagpapasalamat sa inyong patuloy na pakikiisa, pagtitiwala, at pagsuporta sa mga programa ng ating organisasyon. Ang tagumpay at pagpapatuloy ng Pabaon Program ay bunga ng ating pagkakaisa at malasakit sa bawat miyembro.
Tunay ngang may kinabukasan sa magandang samahan.
Mabuhay ang PFPAW! Mabuhay po tayong lahat, and God bless us all!
Lubos na gumagalang,
PFPAW Leadership