05/09/2025
Apply your visa extension 3 MONTHS before the expiration, and about automatic 2 MONTHS visa extension
Bilang isang foreigner na naninirahan sa ibang bansa, it is our duty na laging alamin ang expiration period ng anomang document na hawak natin, ito man ay passport, visa, driver license, mynumber card at iba pa dito sa Japan.
Upang hindi tayo magka-problema, it is advisable na apply na agad tyo ng renewal before pa umabot ang expiration period nito dahil in the end, tayo din ang mahihirapan.
The most important one ay pagdating po sa visa natin. Kung hindi pa kayo permanent visa holder, meron pong expiration period na dapat nyong tandaan ang hawak nyong visa.
Japan Immigration Office is advising all foreigners here in Japan na mag-apply na agad ng visa extension or renewal kapag 3 months na lang ang natitira sa expiration period nito. This is because, 3 months din ang maximum processing nila to evaluate your visa application.
Minsan marami din tayong mga kababayan na hindi nag-aapply agad. Pinaabot sa date na malapit na din ang expiration period, then may mangyayaring emergency na kinakailangang umuwi. Dito na magkakaroon ng problema minsan.
By the way, sa mga hindi pa nakaka-alam, kung kayo ay mag-apply ng visa extension, then dumating na ang expiration period ng visa nyo, pero wala pa ang result, ang Japan Immigration ay nagbibigay ng 2 MONTHS automatic extension ng visa po ninyo.
Makikita o mababasa nyo ito sa NOTICE RECEIPT na ibibigay sa inyo at the time na matanggap nila ang visa extension application ninyo. Tulad ito ng nakikita nyong picture sa article na ito. Nasa likod po sya kaya basahin nyo mabuti yong binibigay sa inyong notice o receipt ng Japan Immigration Office.
Ang ibig sabihin ng 2 months automatic extension na ito ay pwede pa din kayong mag-stay in Japan kahit na umabot na sa expiration yong visa nyo as long na nakapag pasa nga po kayo ng visa extension application.
Halimbawa, kung ang expiration ng visa nyo ay MARCH 1, but then nakapag apply na kayo, di po kayo maituturing na overstayer dahil may 2 months automatic extension po kayo dito sa Japan. Meaning before MAY 1, pwede pa din kayong mag-stay ng legal here in Japan.
Sa issue naman kung pwede bang umuwi kapag ganito ang status. Expired na ang visa pero nakapag apply na ng visa extension at meron ding hawak na NOTICE RECEIPT bilang proof, di ko masasabi kung OK ito dahil di ko pa na-try personally kahit isang beses, pero may naririnig akong nakakauwi daw sila at nakakabalik dito sa Japan.
May possibility lang talaga na maaaring ma-question kayo sa airport immigration sa Pinas at pagbalik nyo here in Japan. So beware about this, and as possible, mag apply agad 3 MONTHS before the expiration of your visa.