Kamahirap - Kabalikat ng Maralita para sa Hinaharap

  • Home
  • India
  • NCR
  • Kamahirap - Kabalikat ng Maralita para sa Hinaharap

Kamahirap - Kabalikat ng Maralita para sa Hinaharap SEC Reg. # 2023010082578-30

KAMAHIRAP is solidarity network of urban poor community federations, associations, organizations and clubs.
(21)

Advocating for the social
well-being and welfare of the marginalized sector.

Waste-to-Energy (WTE) Inceneration Project sa Smokey Mountain Tondo, Maynila, nilabanan ng residente. Bantang demolisyon...
09/06/2026

Waste-to-Energy (WTE) Inceneration Project sa Smokey Mountain Tondo, Maynila, nilabanan ng residente.

Bantang demolisyon, kabuhayan, urban farming, lokal na negosyo, kalusugan at kalikasan ang ibubunga ng itatayong P26 Bilyong Waste-to-Energy (WTE) inceneration project sa Smokey Mountain Tondo ay matinding tinutulan ng mga maralitang residente. Ang pangunahing isyu ng Samahan ng Maralita sa Upper Smokey Mountain (SMUSM), Manila Anti-Inceneration Alliance at mga residente ng Barangay 128 sa Tondo, Maynila.

Ipinaglalaban ng grupo, sa pamumuno ng kanilang Bise Presidente na si Anora Madrid, na ang pasilidad ng WTE ay magdudulot ng malubhang polusyon sa hangin. Ang pagsunog ng basura (incineration) ay naglalabas ng mga nakalalasong kemikal na maglalagay sa panganib sa kalusugan ng mga residente.

Ipinaglaban ang Karapatan sa Lupa: Kinokondena ng mga residente ang tangkang pagpapalayas sa kanila upang bigyang-daan ang mga komersyal na proyekto ng mga pribadong developer. Noong nakaraang taon, naglunsad na sila ng mga protesta laban sa mga ilegal na demolisyon sa kanilang lugar.

Naki-isa ang Kadamay, EcoWaste Coalition at Green Peace PH sa pagtutol sa proyekto at hinihiling sa Asian Development Bank (ADB) na itigil ang pagpopondo sa proyektong ito.

Binabatikos nila ito bilang isang "maling solusyon" sa krisis sa basura na sumasalaula sa karapatan ng mga maralitang taga-lungsod.Kasalukuyang nagpapatuloy ang mga kilos-protesta at forum ng mga residente upang kalampagin ang Department of Energy (DOE), Department of Health (DOH), National Housing Authority (NHA), at lokal na pamahalaan ng Maynila upang pakinggan ang kanilang panawagan para sa malinis na hangin at secure na pabahay

Ngayong ika-17 ng Mayo 2026 ay matagumpay na isinagawa ang Barangay Fort Bonifacio Community Leaders and KAMAHIRAP oath-...
17/05/2026

Ngayong ika-17 ng Mayo 2026 ay matagumpay na isinagawa ang Barangay Fort Bonifacio Community Leaders and KAMAHIRAP oath-taking, workshop seminar. Pinangunahan ni KAMAHIRAP National President Ramon Jorge “Ka Jeboy” Pendoza at ni Secretary-General Primly Mejia ang buong programa.

Nagbahagi ang mga lider sa komunidad ng kanilang kaalaman kaugnay ng mga isyung pang-komunidad at naglatag din ng mga maaaring kasagutan at hakbangin.

Masayang nagtapos ang programa sa pamamagitan ng pagyakap sa organisasyong Kamahirap, patunay ang kanilang panunumpa bilang mga bagong kasapi.

Kamahirap President Jeboy Pendoza naki-isa sa PCUP NCR sa 23 Urban Poor Organizations. Nakaraang April 28,2026 ginanap s...
04/05/2026

Kamahirap President Jeboy Pendoza naki-isa sa PCUP NCR sa 23 Urban Poor Organizations.

Nakaraang April 28,2026 ginanap sa Quezon City ang pagkilala sa bagong accredited na organisasyon. Sa pangunguna ni Chief of Operations, FOD-NCR Dir. Olympia DC Micor at si Asst. Chief Kreeger Bonagua. Naimbitahan si Kamahirap at kasalukuyang ALHOP (Asst. of Local Housing Officers) at San Juan City UPAO Head Ramon Jorge “Jeboy” Pendoza.

Ngayong araw ng kababaihan, ang KAMAHIRAP o Kabalikat ng Maralita para sa Hinaharap ay nakikiisa kay Ms. Anne Curtis sa ...
07/03/2026

Ngayong araw ng kababaihan, ang KAMAHIRAP o Kabalikat ng Maralita para sa Hinaharap ay nakikiisa kay Ms. Anne Curtis sa kanyang pahayag tungkol sa mga binitawang salita ni Rep. B**g Suntay sa naganap na hearing sa Kongreso ng Committee on Justice hinggil sa impeachment complaint laban kay VP Sara Duterte.

Kailangan nating suportahan ang mga biktima ng harassment at diskriminasyon batay sa kasarian. Ang pahayag ni Ms. Anne Curtis ay nagpapakita sa atin ng lakas at determinasyon upang labanan ang mga ganitong uri ng pang-aabuso.

Hindi dapat natin tinatanggap ang mga komento na nagpapababa sa dignidad ng mga kababaihan. Kailangan nating magtulungan upang lumikha ng isang lipunan na may respeto at pagkakapantay-pantay para sa lahat.

Salamat sa pagiging boses ng mga walang boses. Dapat lang na magkaroon ng accountability ang mga taong nasa posisyon ng kapangyarihan.

Babae ka hindi babae lang!


Para sa Gen Z, mahalaga ang mabuting pamamahala dahil ito'y tungkol sa transparency, accountability at pagtugon sa mga i...
06/03/2026

Para sa Gen Z, mahalaga ang mabuting pamamahala dahil ito'y tungkol sa transparency, accountability at pagtugon sa mga isyu ng bayan, tulad sa isyu ng kurapsyon, climate change, mental health at social justice. Gusto ng kabataan at mamamayan na makita yung mga lider na may puso sa bayan at hindi lang puro salita.

Generation Z Movement!


Ang KAMAHIRAP o Kabalikat ng Maralita para sa Hinaharap ay nakikiisa sa pahayag ni Cong. Bel Zamora at nanawagan na dapa...
04/03/2026

Ang KAMAHIRAP o Kabalikat ng Maralita para sa Hinaharap ay nakikiisa sa pahayag ni Cong. Bel Zamora at nanawagan na dapat humingi ng tawad si Cong. B**g Suntay sa kanyang mga pahayag sa naganap na house hearing, na itinuturing natin bilang "inappropriate" at "sexist".

Ang mga pahayag ni Suntay ay direktang sumasalungat sa diwa ng women empowerment o pagtataguyod sa kababaihan na dapat ay nagbibigay sa kanila ng kakayahan, karapatan at kapangyarihan upang makapagdesisyon, makapagaral, magkaroon ng kabuhayan, at makilahok nang pantay sa lipunan. Naglalayong alisin din ang diskriminasyon at karahasan, at kilalanin ang kanilang halaga at kakayahan.

Hinikayat din natin si Suntay na magpakumbaba sa mga kababaihan na nasaktan ng kanyang mga salita.

Naging mainit ang usaping ito matapos magbigay ng komento ni Suntay tungkol kay Anne Curtis sa House hearing, kung saan sinabi niyang may "pagnanasa" siya sa aktres. Ang komite ng House on Justice ay nagpasyang tanggalin ang mga pahayag ni Suntay sa rekord.


Hamon ng KAMAHIRAP sa mga Lingkod-bayan lalo na sa mga namumuno ng lungsod  ang pagbabantay sa isang Good Governance na ...
24/02/2026

Hamon ng KAMAHIRAP sa mga Lingkod-bayan lalo na sa mga namumuno ng lungsod ang pagbabantay sa isang Good Governance na may Accountability, Transparent at People’s participation

Isa sina Mayor Leni Robredo at Mayor Francis Zamora ang kinakitaan sa kanilang termino ang nagtataguyod ng kahalagahan ng pagiging tapat at responsableng lider sa paglilingkod sa bayan.

Sa pamamagitan ng kanilang mga inisyatiba at programa, nagawa nilang magbigay ng mga serbisyo at proyekto na nakatutok sa kapakanan ng mga mamamayan. Ang kanilang pamamahala ay posible at makakamit sa pamamagitan ng tapat at dedikadong paglilingkod.

Para sa mabuting pamamahala!


Pagdalo ni Mayor Leni Robredo at ni Mayor Francis Zamora sa inilunsad na “Bagong Pilipinas, Bawat Bayan Makinabang” sa M...
23/02/2026

Pagdalo ni Mayor Leni Robredo at ni Mayor Francis Zamora sa inilunsad na “Bagong Pilipinas, Bawat Bayan Makinabang” sa Malacañang.

Hangad ng ating dalawang lider at lingkod bayan ang isang pamumuno na tapat at inuuna lagi ang kapakanan ng mamamayan.

Para sa mabuting pamamahala!


Para kay DPWH Secretary Vinz Dizon at San Juan City Mayor Francis Zamora, ang maayos at matuwid na proyekto na walang ku...
19/02/2026

Para kay DPWH Secretary Vinz Dizon at San Juan City Mayor Francis Zamora, ang maayos at matuwid na proyekto na walang kurapsyon, kailangan nating bigyang-pansin ang mga sumusunod:

1. Transparency - Dapat bukas at malinaw ang mga proseso at desisyon.
2. Accountability - Dapat mayroong pananagutan ang mga opisyal at empleyado.
3. Partisipasyon ng Mamamayan - Dapat kasangkot ang mga mamamayan sa paggawa ng desisyon.
4. Rule of Law - Dapat sundin ang batas at mayroong pantay na hustisya.
5. Epektibong Pagpapatupad - Dapat maayos at epektibo ang pagpapatupad ng mga proyekto.


Address

San Juan City
Ncr

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kamahirap - Kabalikat ng Maralita para sa Hinaharap posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Kamahirap - Kabalikat ng Maralita para sa Hinaharap:

Share