09/10/2026
CHINA AT UKRAINE MONEY TRAIL SA CALE88? HONTIVEROS, BINUKING ANG β±776-MILLION INFLOWS; UKRAINIAN FIRM NA INIUGNAY SA β¬1.225-M FRAUD AT MONEY LAUNDERING CASE, NAGPADALA RIN NG PERA!
Hindi lang China ang pinanggalingan ng foreign money na pumasok sa Cale88, ang kumpanyang iniugnay sa joint venture nina Manases Carpio at Lebosada.
Sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, isang Ukrainian company na iniugnay ni Sen. Risa Hontiveros sa kasong may kinalaman sa fraud at money laundering ang nadiskubreng kabilang sa mga foreign remitter ng kumpanya!
Mas lalo pang naging kontrobersyal ang usapin matapos ihambing ni Hontiveros ang β±208.49 million na total sales ng Cale88 mula 2021 hanggang 2025 sa β±776 million na inflows na naiulat sa Anti-Money Laundering Council (AMLC) sa pamamagitan ng covered transaction reports (CTRs) at suspicious transaction reports (STRs).
ββ±776 million ang inflows sa Cale88, at least 'yung may covered transaction reports at suspicious transaction reports,β ani Hontiveros sa pagtatanong niya sa BIR witness na si Ann Loraine Garcia-Marquez.
Dagdag pa ng senador, ang β±776 million ay tumutukoy lamang sa mga transaksyong nai-report sa AMLC, kaya posibleng may iba pang perang pumasok na hindi kasama sa halagang ito.
β±776 MILLION INFLOWS, PERO β±208 MILLION LANG ANG SALES?
Ito ang malaking tanong na kailangang masagot: paano maipapaliwanag ang agwat ng kabuuang sales na nasa BIR records at ng mga inflow na naiulat sa AMLC?
Tinanong ni Hontiveros kung iniimbestigahan na ba ng BIR ang mga perang pumasok sa Cale88 na nakatala sa CTRs at STRs.
Paliwanag ni Garcia-Marquez, hindi kabilang sa karaniwang checklist ng mga dokumentong hinihingi sa ilalim ng letters of authority ang bank records dahil saklaw ang mga ito ng bank secrecy. Maaari umanong masuri ng BIR ang naturang records kung kusang isusumite ng taxpayer ang mga dokumento.
Ngunit kinuwestiyon ito ni Hontiveros.
βPero kung 'yung account holder ay malamang hindi alam, or supposedly hindi alam, kung nagkaroon ng covered transaction report or suspicious transaction report ang anumang transaction niya, hindi siya magvo-volunteer,β aniya.
Ayon naman sa BIR witness, may coordination ang BIR at AMLC para matukoy at mapigilan ang mga paglabag ng taxpayers.
UKRAINE CONNECTION: FIRM NA SANGKOT SA β¬1.225-MILLION CASE, NAGPADALA SA CALE 88
Dito ibinunyag ni Hontiveros ang isa pang mahalagang detalye: may foreign remitters ang Cale88 na hindi nakabase sa China.
Isa sa mga pinangalanan niya ang Arkman LLC, isang Ukrainian company na may registration number na 41423974 at address na Zoryana 3A, SybiLiv, Ukraine.
Ayon sa senador, tumutugma ang registration number at address nito sa isang kumpanyang sangkot sa criminal proceeding na sinimulan noong May 19, 2025, kaugnay ng alegasyon ng fraud at money laundering na may halagang β¬1.225 million.
Sinabi rin ni Hontiveros na noong March 2026, iniutos ng Pechersky District Court of Kyiv ang paghahalughog sa premises ng Arkman, at noong April 2026 ay iniutos ang pag-freeze sa 100% shareholding ng suspek sa kumpanya.
Ang mas mahalagang detalye: ayon kay Hontiveros, ang huling inward remittance ng Arkman LLC sa Cale88 ay noong May 30, 2025, matapos simulan ang criminal proceeding.
Hindi nito awtomatikong pinatutunayang bahagi ng nasabing krimen ang perang ipinadala sa Cale 88. Ngunit ang pagkakatugma ng mga detalye ay nagbubukas ng seryosong mga tanong na nangangailangan ng masusing pagsusuri sa pinagmulan, layunin at deklarasyon ng mga transaksyon.
DUTERTE-CHINA MONEY TRAIL: HINDI LANG PINAGMULAN, KUNDI ANG DESTINASYON AT DEKLARASYON NG PERA
Sa konteksto ng mga naunang inilatag na AMLC records tungkol sa mga remittance mula China, mas lumalawak ang usapin: hindi lamang kung saan nanggaling ang pera, kundi kung naitala ba nang tama ang mga transaksyon at kung may sapat na dokumentasyon para patunayan ang lehitimong pinagmulan ng mga ito.
Tinanong ni Hontiveros ang BIR witness kung, kung lehitimong sales ang mga international remittance sa pagitan ng Arkman LLC at Cale 88, dapat bang ideklara ang mga ito sa annual income tax return.
βKung ito po ay sales, then it should have been reported in the annual income tax return,β sagot ni Garcia-Marquez.
Dahil dito, hiniling ni Hontiveros na matukoy sa koordinasyon ng BIR at AMLC kung naiulat nga bilang sales ang mga naturang transaksyon.
Inatasan naman ni Senate President at Presiding Officer Chiz Escudero ang mga kinauukulan na tandaan ang puntong ito.