AMWWA-Hong Kong Abra Migrant Workers Welfare Association

AMWWA-Hong Kong Abra Migrant Workers Welfare Association Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from AMWWA-Hong Kong Abra Migrant Workers Welfare Association, Community Organization, Hong Kong.

Committed to serve fellow migrant workers through education, campaign, solidarity and fight for their rights and welfare, AMWWA was established in June 1994 as an affiliate member of the United Filipinos in Hong Kong (UNIFIL-MIGRANTE HK).

Sa aming pangalawang taga pangulo,maligayang kaarawan Sherry Siganay!Salamat sa patuloy na pagmamahal at pagsisilbi sa m...
20/07/2026

Sa aming pangalawang taga pangulo,maligayang kaarawan Sherry Siganay!
Salamat sa patuloy na pagmamahal at pagsisilbi sa mga kapwa migrante.
Agbiag!

Isa ang AMWWA sa pinakamatagal na member organization ng Unifil.Salamat din UNIFIL sa paggabay at makakaasa kayo na kasa...
12/07/2026

Isa ang AMWWA sa pinakamatagal na member organization ng Unifil.
Salamat din UNIFIL sa paggabay at makakaasa kayo na kasama nyo kami sa laban para sa wage increase,working hours at working condition ng mga migrante dito sa Hongkong.

Our guest speaker,the Secretary General of Migrante International,kuya Ramon Bultron.
12/07/2026

Our guest speaker,the Secretary General of Migrante International,kuya Ramon Bultron.

Come one,Come all!Maawis kayo amin!Please join us, as we celebrate our 32nd anniversary on Sunday  Water Bay beach.Makis...
09/07/2026

Come one,Come all!
Maawis kayo amin!
Please join us, as we celebrate our 32nd anniversary on Sunday Water Bay beach.
Makisaya,makisayaw, makikantahan bilang pasasalamat namin sa lahat ng naging bahagi at magiging kasapi sa aming mga laban,pagtulong at tagumpay!
See you all!

Ti Pax Silica ket banta ti biag,pagbiagan,karbengan ken kinabaknang ti daga.
05/07/2026

Ti Pax Silica ket banta ti biag,pagbiagan,karbengan ken kinabaknang ti daga.

Our kind of Sunday!
28/06/2026

Our kind of Sunday!


"Kaming mga taga Abra, kahit liblib na ang aming lugar, kailangan din namin ng Serbisyo mula sa Gobyerno, hindi rin kami...
07/06/2026

"Kaming mga taga Abra, kahit liblib na ang aming lugar, kailangan din namin ng Serbisyo mula sa Gobyerno, hindi rin kami ligtas sa mga taas ng Bilihin, kawalan ng Trabaho at walang nakabubuhay na sahod.... Kaya kaisa kami sa panawagan ng Presyo ng mga bilihin ibaba, Sahod ng manggagawa itaas!"

-Mylene Collado, Secretary General AMWWA-ATIS-HK

16/05/2026

๐”๐๐ƒ๐„๐‘ ๐€๐“๐“๐€๐‚๐Š ๐€๐๐† ๐Œ๐€๐Œ๐€๐Œ๐€๐˜๐€๐ ๐’๐€ ๐ˆ๐‹๐€๐‹๐ˆ๐Œ ๐๐† ๐†๐Ž๐๐˜๐„๐‘๐๐Ž๐๐† ๐๐€๐’๐ˆ๐’๐“๐€ ๐€๐“ ๐Š๐Ž๐‘๐€๐!

Nakakadismaya. Nakakasuka. Nakakagalit.

Kung ang mga inaasahan nating tagagawa ng batas ay sila mismo ang bumabaluktot ng batas para sa kanilang interes, wala tayong maaasahan sa bulok na sistemang ito. Patunay ang โ€œpagkanlongโ€ at hinayaang โ€œmakatakasโ€ ang puganteng si Senator Ronald โ€œBatoโ€ Dela Rosa ng pag-iral ng kawalan ng pananagutan o impunity sa bansa.

๐€๐ง๐  ๐’๐ž๐ง๐š๐๐จ ๐š๐ฒ ๐ก๐ข๐ง๐๐ข ๐๐š๐ฉ๐š๐ญ ๐ค๐š๐ง๐ฅ๐ฎ๐ง๐ ๐š๐ง ๐ง๐  ๐ค๐จ๐ซ๐š๐ฉ ๐š๐ญ ๐ค๐ซ๐ข๐ฆ๐ข๐ง๐š๐ฅ. Insulto ito sa mga mahihirap na pamilya at biktima ng pamamaslang sa panahon ng pekeng โ€œwar on drugsโ€ ni Duterte.๐ˆ๐ง๐ฌ๐ฎ๐ฅ๐ญ๐จ ๐ข๐ญ๐จ ๐ฌ๐š ๐ฌ๐š๐ฆ๐›๐š๐ฒ๐š๐ง๐š๐ง๐  ๐๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐จ ๐ง๐š ๐ง๐š๐ ๐ก๐ฎ๐ก๐ฎ๐ฆ๐ข๐ฒ๐š๐ฐ ๐ง๐  ๐ก๐ฎ๐ฌ๐ญ๐ข๐ฌ๐ฒ๐š.

๐‡๐ข๐ง๐๐ข ๐ฅ๐š๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ฆ๐›๐š๐ง๐ฌ๐š๐ง๐  ๐ค๐š๐ก๐ข๐ก๐ข๐ฒ๐š๐ง, ๐ข๐ง๐ญ๐ž๐ซ๐ง๐š๐ฌ๐ฒ๐ฎ๐ง๐š๐ฅ ๐ง๐š ๐ค๐š๐ก๐ข๐ก๐ข๐ฒ๐š๐ง ๐š๐ง๐  ๐ข๐ง๐ข๐ก๐š๐ญ๐ข๐ ๐ฌ๐š ๐š๐ญ๐ข๐ง ๐ง๐  ๐ฉ๐ฎ๐ ๐š๐ง๐ญ๐ž๐ง๐  ๐ฌ๐ข ๐’๐ž๐ง๐š๐ญ๐จ๐ซ ๐‘๐จ๐ง๐š๐ฅ๐ โ€œ๐๐š๐ญ๐จโ€ ๐ƒ๐ž๐ฅ๐š ๐‘๐จ๐ฌ๐š. . Lalong nalantad ang kabulukan ng sistema sa pulitika kung saan namamayani ang pagtatanggol ng mayayaman at makapangyarihan sa sarili nilang interes. Pinatunayan lang nito kung gaano kalala ang sistema ng palakasan at aregluhan sa pagitan ng mga naghaharing-uri.

๐Œ๐ข๐ฌ๐ฌ๐ข๐จ๐ง ๐š๐œ๐œ๐จ๐ฆ๐ฉ๐ฅ๐ข๐ฌ๐ก๐ž๐ ๐ง๐š ๐ฌ๐ข ๐๐š๐ญ๐จ. Dahil sa kanyang boto, napatalsik bilang presidente ng Senado si Sen. Tito Sotto na nangakong agad na simulan ang paglilitis sa impeachment ni Sara Duterte. Ipinalit sa kanya si Sen. Alan Peter Cayetano, kilalang tagasunod ng pamilyang Duterte. Si Bato mismo ang umamin na may kinalaman ang kanyang surpresang paglantad upang pigilan ang impeachment ni VP Sara Duterte.

๐–๐š๐ฅ๐š๐ง๐  ๐ง๐š๐ฉ๐š๐ฅ๐š ๐š๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐จ๐ซ๐๐ข๐ง๐š๐ซ๐ฒ๐จ๐ง๐  ๐๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐จ sa mga kaguluhan sa Senado nitong nagdaang Linggo. Walang balak ang gobyernong Marcos-Duterte na lutasin ang malalang kahirapan, malalang korapsyon at pagpapanagot sa mga kurap at tiwali. Pansariling interes, ambisyon sa kapangyarihan at kasakiman sa pagkamal ng kaban ng bayan ang pawang ipinakita ng mga bulok na pulitiko mula sa kudeta sa Senado, pagharang sa pag-aresto ng NBI kayBato, pagkakanlong sa isang pugante sa pamamagitan ng โ€œprotective custodyโ€ at pagpapabaya na siya ay makatakas.

Samantalang kapag mahirap o ordinaryong tao, hindi pa man napapatunayan na maysala - arestado, ikinukulong, tinotortyur at pinapatay pa nga nang walang paglilitis. Nagagawa pa nilang maghasik ng mga mapanghating naratibo upang iligaw ang mamamayan sa hustisya. Dahil hindi nananaisin ng mga naghaharing-uri na magkaisa ang mga ordinaryong mamamayan laban sa bulok na sistema.

Walang nakaaangat sa batas. Lalo na sa krimen laban sa sangkatauhan. May rekurso man si Bato para tumakas at magtago, hindi niya habambuhay na matatakasan ang libo-libong inosenteng biktima ng pekeng โ€œwar on drugsโ€ ni Rodrigo Duterte.

Hindi na tayo maloloko ng mga damuhong ito, hindi mapapatigil ng teleserye sa Senado ang paglilitis kay VP Sara Duterte sa kanyang pandarambong at mga kasalanan sa bayan.

Dapat managot si Pangulong Bongbong Marcos sa kawalang aksyon upang papanagutin ang berdugong si Bato hanggang sa makatakas pa nga. Dapat panagutin si BBM sa malaganap na korapsyon at kriminal na kapabayaan sa sambayanang Pilipino sa loob at labas ng bansa.

Nagkakaisang galit ng mamamayan ang magdadala kay Bato at iba pa niyang kasapakat ang sa ICC. Ang lumalakas na panawagan ng ng mamamayan ang lilitis kay Sara Duterte at magpapanagot kay Bongbong Marcos.

Sama-sama nating ipanawagan:
๐๐€๐“๐Ž, ๐€๐‘๐„๐’๐“๐”๐‡๐ˆ๐! ๐’๐€๐‘๐€, ๐‹๐ˆ๐“๐ˆ๐’๐ˆ๐! ๐Œ๐€๐‘๐‚๐Ž๐’, ๐๐€๐๐€๐†๐”๐“๐ˆ๐!



!

Address

Hong Kong

Telephone

+85298546167

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when AMWWA-Hong Kong Abra Migrant Workers Welfare Association posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share