21/08/2026
Ang mga salitang masasama na ibinato ng ilang Pilipino kay Ninoy , kay Cory at kay Pnoy, noon at hanggang ngayun , lalo na yung taong mas piniling magkalat ng kasinunaglingan kaysa mag saliksik ng katotohanan!
Ang 3 leaders na ito ay maaring tawagin nilang mga tanga dahil Hindi sila yung kung tawagin sa ngayun ay mga Norman na Pilipino !
Ang mga normal na kasi ngayon, pahirapan , pagbantaan, murahin , saktan o patayin ang kapwa Pilipino , pagnakawan ang inang bayan at magpapa uto sa China !
Kaya Ang tawag nila noon kay Pinoy ay Abnoy or abnormal !
Dahil siguro nga abnormal syang Pilipino at Presidente :
- kasi mabait syang leader
- kasi Hindi nagnanakaw ,
- kasi hindi naguutos sa mga Pulis at sundalo na pumatay ng kapwa Pilipino
- Kasi mahal mo ang bayang Pilipinas hindi ang bayang China
- kasi masyado nyang ginalingan ang trabaho at ang economiya ang magpapatunay noon , at masyadong mapagkumbaba na kahit yung maraming nyang Malalaking proyekto na napa simulan nya na ay inaangkin o inangkin ng mga Du30 na gawa daw nila !
- kasi kaunti lang ang iniwan nyang utang noon nag tapos ang termino nya kumpara halos 6-7 trillion ni D30
- kasi nagpakulong sya ng mga senador at Presidente na nangabuso sa kanilang kapangyarihan . Sana kung ginaya nya style ni D30 , hindi nagpapakulong kundi nagpapalaya ng mga politikong abusado at mga drug lords o Di kaya pag kaalyado nya ang may atraso Tulad ni Lapeña na custom chief ni D30 - ililipat lang ng pwesto ! Mga nakawan sa gobyerno tulad ng DPWH , sana nagsalita na lang si Pinoy na galit sya kunwari at hindi na nagpapakulong tulad no D30!
- Hindi kasi type n Pinoy ang POGO na kilala na sa Asia noon.
Yaan ang bagong normal !
Kunga abnormal Sen Benigno Aquino , Cory at Pinoy - hala Sige tawagin nyo din kaming mga abnormal, dahil ayaw namin ng normal nyo!
Sabi Nila lahat ng pulitiko magnanakaw , kaya wala ng pag pipili-an ! Meron po kung gagamitin lang natin ang ating pag iisip , Hindi mga bloggers na nagbibigay sa inyo ng fake news o mga bayarang journalists at bloggers o mga politikong nag abot sa inyo ng ayuda para sa ilang araw na saya o saglit na kaligayahan o anopaman, tapos gutom naman ng 3-6 years ! Higit sa lahat ang mas masamang epekto ng mga polisisya na iiwan ng Leader na pinili o binuto nyo - ang maging normal pero mali !