06/07/2026
𝟐𝟎𝟐𝟔 𝐆𝐀𝐖𝐀𝐃 𝐀𝐌𝐁𝐀𝐒𝐒𝐀𝐃𝐎𝐑 𝐏𝐇𝐈𝐋𝐈𝐏𝐏𝐄 𝐉. 𝐋𝐇𝐔𝐈𝐋𝐋𝐈𝐄𝐑 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐒𝐀𝐌𝐏𝐔𝐍𝐆 (𝟏𝟎) 𝐏𝐈𝐍𝐀𝐊𝐀𝐌𝐀𝐓𝐀𝐆𝐀𝐋 𝐍𝐀 𝐏𝐈𝐋𝐈𝐏𝐈𝐍𝐎 𝐒𝐀 𝐒𝐏𝐀𝐈𝐍 𝐀𝐓 𝐀𝐍𝐃𝐎𝐑𝐑𝐀
Kabayan, kung kayo po ay may kakilala o kung kayo mismo ay matagal nang naninirahan o nagtatrabaho sa Spain o Andorra, iniimbitahan po namin kayo na sumali sa natatanging parangal na IBIBIGAY NI Ambassador Philippe J. Lhuillier sa sampung pinaka-matagal na Pilipino sa Spain at Andorra.
SINO ANG PWEDENG SUMALI?
Mga Pilipino na matagal nang naninirahan o nagtatrabaho sa Spain o Andorra.
Kailangan po na kayo ay kasalukuyang Pilipino o di kaya’y dual citizen;
May katibayan ng inyong pagdating o pamamalagi sa Spain or Andorra (katulad ng mga dokumento sa Spain o Andorra na may date, stamp ng pagdating sa inyong pinaka unang paspsort, mga sulat na may petsa, mga remittance slips na may date, unang kontrata, unang mga IDs sa Spain o iba pa)
Hindi pa nabigyan ng Gawad APJL simula 2019 hanggang kasalukyan.
PAANO SUMALI?
Mag fill-up ng form at kailangan na mai-submit ito bago sa nakatakdang deadline sa 03 July 2026, 5:00pm.
Ang GPJL2026 form ay maaring kunin sa:
Maaring kunin sa Embassy sa Madrid o di kaya’y sa Philippine Consulate na malapit sa inyo.
Sa Website ng Embassy (Philembassymadrid.com/ Gawad PJL 2026/Form)
Maari ding i-click ang link (https://drive.google.com/file/d/1olmAPrAQIyAyXmu3lT0hD_Wh1aEx1dyN/view?usp=sharing) O i-scan ang QR code sa ibaba.
Ipadala ang form kasama ng mga sumusunod sa [email protected].
1) GPJL2026 Form
2) Samahan ng dokumento na nagpapakita ng date kung kalian pa kayo sa Spain ( ang pagbilang ng taon sa Spain o Andorra ay ibabatay san a-submit na dokumento o proof)
3) Samahan din po natin ng mga lumang larawan o lumang kopya ng unang mga passports
4) Samahan din natin ng salaysay o kwento ng unang pagdating , nakakatuwa o di makalimutang experiences.
ANG SAMPUNG (10) PINAKA-MATAGAL NA PILIPINO AY PIPILIIN BASE SA DATE/PETSA NA
MAKALAGAY SA MGA DOKUMENTONG IPAPAKITA. ANG SAMPUNG (10) MAPIPILI AY BIBIGYAN
NG NATATANGING PARANGAL SA SEPTEMBER 2026 SA MADRID NA PANGUNGUNAHAN NI
AMBASSADOR PHILIPPE J. LHUILLIER.
Para sa mga katanungan, maaring mag message sa: [email protected].