13/05/2026
Gangsa Validation maayos na isinagawa sa Barangay Dilag, Tabuk City
Isinagawa ngayong Mayo 13, 2026 mula 8:00am ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali ang Gangsa Validation sa Barangay Dilag, Tabuk City bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng maayos na pamamahala, pagkakaisa, at kaunlaran ng komunidad. Ang aktibidad ay naging daan upang mapagtibay ang matatag na ugnayan at koordinasyon ng iba’t ibang ahensya at sektor para sa kapakanan ng mamamayan.
Pinangunahan ang validation ng Department of the Interior and Local Government (DILG), Philippine National Police (PNP), Civil Society Organizations (CBO), City Treasurer’s Office (CTO), City Social Welfare and Development Office (CSWDO), City Environment and Natural Resources Office (CENRO), City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), City Barangay Affairs and Community Relations Office (CBACRO), Association of Barangay Captains (ABC), City Agriculture Office (CAO), City Health Services Office (CHSO), at City Planning and Development Office (CPDO).
Layunin ng Gangsa Validation na suriin at kilalanin ang mga programa, proyekto, at serbisyong ipinatutupad ng barangay upang masiguro ang epektibong paghahatid ng serbisyo publiko. Tinalakay rin sa aktibidad ang kahalagahan ng pagtutulungan ng bawat tanggapan at organisasyon sa pagpapaunlad ng komunidad at pagpapanatili ng kaayusan at kaligtasan sa barangay.
Ipinakita ng matagumpay na pagsasagawa ng validation ang dedikasyon ng lokal na pamahalaan at iba’t ibang ahensya sa pagbibigay ng dekalidad na serbisyo para sa mamamayan ng Barangay Dilag.
Photo courtesy: DILG Tabuk City