08/11/2026
Let’s Join Hands and Rebuild Hope
Ang JAS (Jose Abad Santos), Davao Occidental ay isa sa mga lugar na matinding tinamaan ng 7.8-magnitude earthquake noong June 8, 2026.
Maraming buhay ang nawala, maraming pangkabuhayan ang nasira, at maraming tahanan ang natabunan ng lupa dahil sa landslides.
Hindi pa man sila nakakabangon sa trauma na kanilang naranasan, hinagupit naman sila ng Bagyong Inday.
Sa ngayon, 102 families ang pansamantalang naninirahan sa evacuation site, at nakakalungkot na 79 families ang tuluyang nawalan ng tahanan.
Sa gitna ng lahat ng ito, nais nating iparamdam sa kanila na hindi sila nag-iisa.
Your little act of kindness can mean so much to a family who has lost almost everything.
Every ticket you buy GIVES HOPE a HAND.❤️