07/24/2026
Mga Kababayan, muli’t muli, kami ay nagpapaabot ng aming walang hanggang pasasalamat at pagtanaw ng utang na loob sa lahat ng tumulong sa ikatatagumpay ng Pista sa Nayon 2026. Sa kasamaang-palad, mayroon kaming isang napakalaking pagkakamaling nagawa. Ang watawat ng ating mahal na bayang Pilipinas ay hindi po nabigyan ng paggalang na nararapat. Ito po ay nagamit bilang palamuti sa entablado. Hindi po namin ito sinasadya. Amin pong ipinangangakong ang kaparehong pangyayari ay hinding-hindi na mauulit. Maraming salamat po sa tumawag ng aming pansin sa mahalagang bagay na ito.
Our countrymen,
Again and again, we extend our endless appreciation to all who contributed to the success of Pista sa Nayon 2026. Unfortunately, we committed a grave mistake. The flag of the Philippines was not handled the proper way. It was used as stage decoration. Such mishandling of the Philippine flag was completely unintentional. We assure you that any similar incident will not ever happen again. We thank those who called our attention on this very important matter.