Seven Lakes PMJF Lions Club

Seven Lakes PMJF Lions Club Informações para nos contatar, mapa e direções, formulário para nos contatar, horário de funcionamento, serviços, classificações, fotos, vídeos e anúncios de Seven Lakes PMJF Lions Club, Organização sem fins lucrativos, San Pablo City, Laguna.

11/01/2026

San Pablo City Seven Lakes Lions Club marks its 48th Anniversary & 49th Induction Ceremony, alongside the 2nd La Trenchera Leo Club Induction. 🦁

A legacy of compassion, solidarity, and community service continues! 💙



Isang munting regalo ang hatid muli ng San Pablo City Seven Lakes Lions Club at Seven Lakes La Trenchera Leo Club para s...
19/12/2025

Isang munting regalo ang hatid muli ng San Pablo City Seven Lakes Lions Club at Seven Lakes La Trenchera Leo Club para sa mga SPED Learners ng Ponciano Alzona Elementary School, puno ng ngiti, saya, at taos-pusong malasakit. 🦁

Sa pagtatapos ng taon, paalala ito na ang inklusibong komunidad ay nabubuo sa mga sandaling pinipiling magbahagi at makinig. 💙💛



November 29, 2025, matapos ang sunog sa Libis, Barangay Poblacion Uno, may mga kababayan tayong pansamantalang nawalan n...
19/12/2025

November 29, 2025, matapos ang sunog sa Libis, Barangay Poblacion Uno, may mga kababayan tayong pansamantalang nawalan ng tirahan at kapanatagan. Nag-abot po tayo ng munting regalo bilang simpleng paraan para makiisa at makatulong sa abot ng aming makakaya.

Mula sa aming pamilya at sa ilang civic organizations, kasama ang San Pablo City Seven Lakes Lions Club, Seven Lakes La Trenchera Leo Club, at Alaminos Masonic Lodge No. 428, pinili nating magbahagi kahit sa maliit na paraan, sapagkat naniniwala kami na bawat kilos ng malasakit ay may kahulugan at nakaaapekto sa buhay ng mga kababayan nating nangangailangan lalo ngayong kapaskuhan.

Nawa’y ang munting handog na ito ay nakapaghatid ng saya at pag-asa sa ating mga kababayan. 💙💛

Isang munting Christmas party na hatid ng San Pablo City Seven Lakes Lions Club at Seven Lakes La Trenchera Leo Club par...
18/12/2025

Isang munting Christmas party na hatid ng San Pablo City Seven Lakes Lions Club at Seven Lakes La Trenchera Leo Club para sa mga SPED Learners ng Alaminos Laguna Central School, puno ng ngiti, saya, at taos-pusong malasakit. 🦁

Sa pagtatapos ng taon, paalala ito na ang inklusibong komunidad ay nabubuo sa mga sandaling pinipiling magbahagi at makinig. 💙💛



Higit pa sa mga regalong inihahandog, ito ay kwento ng tapang, pag-asa, at malasakit 💙💛Ang gift-giving activity ng San P...
17/12/2025

Higit pa sa mga regalong inihahandog, ito ay kwento ng tapang, pag-asa, at malasakit 💙💛

Ang gift-giving activity ng San Pablo City Seven Lakes Lions Club, katuwang ang Seven Lakes La Trenchera Leo Club, ay naglayon na magsilbing pag-asa sa mga batang matapang na humaharap sa kanser sa ilang mga napiling beneficiary sa San Pablo City at Calauan, Laguna.

Hindi lamang ito tungkol sa mga regalo, ito ay paalala sa kanila at sa kanilang pamilya na may komunidad na handang makinig, sumuporta, at maging kasama sa bawat laban.

Sabay-sabay nating itaguyod ang kamalayan at palaganapin ang malasakit, sapagkat bawat maliit na hakbang ay may malaking epekto sa buhay ng mga batang nangangailangan. 💙💛🦁



07/10/2025

Dental Program 2025 🦷

We extend our deepest gratitude to Operation Smile Philippines, in partnership with the San Pablo City Seven Lakes Lions Club and the Seven Lakes La Trenchera Leo Club, for choosing Alaminos, Laguna once again as a site for your dental mission.

Now on its second year, this two-day initiative brought not only extractions and fluoride treatments, but also comfort, care, and the quiet power of compassion made tangible.

To be chosen again is an honor, to witness the transformation in every smile is a privilege. Here's to more years of shared service, and to the many lives we can continue to reach, together! 💙


🦁


Free Dental Program 😊🦁❤️
04/10/2025

Free Dental Program 😊🦁❤️

24/09/2025

FREE EYE CATARACT SCREENING 2025 by San Pablo City 7 Lakes Lions Club and Seven Lakes La Trenchera Leo Club 🦁💛




Halina’t makiisa sa isang programang maghahatid ng ngiti at kalusugan para sa lahat! Inaanyayahan po namin ang ating mga...
20/09/2025

Halina’t makiisa sa isang programang maghahatid ng ngiti at kalusugan para sa lahat! Inaanyayahan po namin ang ating mga kababayan na dumalo sa 𝐅𝐫𝐞𝐞 𝐃𝐞𝐧𝐭𝐚𝐥 𝐏𝐫𝐨𝐠𝐫𝐚𝐦 ng San Pablo City 7 Lakes Lions Club, katuwang ang Operation Smile Philippines, sa darating na 𝐎𝐜𝐭𝐨𝐛𝐞𝐫 𝟔-𝟕, 𝟐𝟎𝟐𝟓, 𝐦𝐮𝐥𝐚 𝟖:𝟎𝟎 𝐀𝐌 𝐡𝐚𝐧𝐠𝐠𝐚𝐧𝐠 𝟓:𝟎𝟎 𝐏𝐌 𝐬𝐚 𝐅𝐥𝐨𝐫𝐞𝐬 𝐅𝐚𝐫𝐦, 𝐁𝐫𝐠𝐲. 𝐒𝐚𝐧 𝐁𝐞𝐧𝐢𝐭𝐨 𝐀𝐥𝐚𝐦𝐢𝐧𝐨𝐬, 𝐋𝐚𝐠𝐮𝐧𝐚.

Libreng Serbisyo:
✔ Libreng Bunot (para sa teens at adults)
✔ Fluoride application at libreng toothbrush (para sa mga bata sa daycare)

Para sa mga may karagdagang katanungan at nais makiisa at magpalista, maaari pong makipag-ugnayan kay 𝐌𝐫. 𝐆𝐞𝐫𝐚𝐥𝐝 𝐔𝐦𝐚𝐥𝐢 sa 𝟎𝟗𝟏𝟓-𝟐𝟑𝟐-𝟎𝟑𝟓𝟕 o sa 𝐎𝐩𝐞𝐫𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐒𝐦𝐢𝐥𝐞 𝐂𝐞𝐧𝐭𝐞𝐫 sa 𝟎𝟗𝟑𝟎-𝟖𝟒𝟖-𝟖𝟗𝟏𝟐.


🦁


Inaanyayahan po namin ang ating mga kababayan na nangangailangan ng pagpapatingin para sa katarata na dumalo sa 𝐅𝐫𝐞𝐞 𝐄𝐲𝐞...
08/09/2025

Inaanyayahan po namin ang ating mga kababayan na nangangailangan ng pagpapatingin para sa katarata na dumalo sa 𝐅𝐫𝐞𝐞 𝐄𝐲𝐞 𝐂𝐚𝐭𝐚𝐫𝐚𝐜𝐭 𝐒𝐜𝐫𝐞𝐞𝐧𝐢𝐧𝐠 handog ng San Pablo City 7 Lakes Lions Club sa darating na 𝐒𝐞𝐭𝐲𝐞𝐦𝐛𝐫𝐞 𝟐𝟒, 𝟐𝟎𝟐𝟓 (𝟕:𝟎𝟎 𝐀𝐌–𝟑:𝟎𝟎 𝐏𝐌) sa 𝐅𝐥𝐨𝐫𝐞𝐬 𝐅𝐚𝐫𝐦, 𝐁𝐫𝐠𝐲. 𝐒𝐚𝐧 𝐁𝐞𝐧𝐢𝐭𝐨, 𝐀𝐥𝐚𝐦𝐢𝐧𝐨𝐬, 𝐋𝐚𝐠𝐮𝐧𝐚.

Ang malinaw na paningin ay hindi lang tungkol sa mga mata, ito ay simbolo ng pag-asa, bagong oportunidad, at panibagong sigla sa buhay. Sa bawat screening, hangad namin na mas marami ang muling makakita ng ganda ng mundo at ngiti ng kanilang mga mahal sa buhay.

Lubos naming pinahahalagahan ang tiwala ng bawat isa sa ganitong mga programa. Sama-sama tayong kikilos, dahil ang tunay na serbisyo ay ang pagbabahagi ng liwanag, liwanag na magbubukas ng daan tungo sa mas MaAyos na bukas. 💛🦁

📞 Para sa iba pang detalye at para makapagpalista, maaari pong makipag-ugnayan kay Mr. Gerald Umali sa 𝟎𝟗𝟏𝟓-𝟐𝟑𝟐-𝟎𝟑𝟓𝟕.

📌 Mangyaring magdala ng anumang 𝐯𝐚𝐥𝐢𝐝 𝐈𝐃 sa araw ng screening.




05/09/2025

😊👏🦁

Endereço

San Pablo City
Laguna

Notificações

Seja o primeiro recebendo as novidades e nos deixe lhe enviar um e-mail quando Seven Lakes PMJF Lions Club posta notícias e promoções. Seu endereço de e-mail não será usado com qualquer outro objetivo, e pode cancelar a inscrição em qualquer momento.

Compartilhar