17/12/2025
๐๐๐๐ฎ๐ญ๐ข๐ง๐ ๐๐๐ฅ๐ข๐ญ๐ ๐ฅ ๐๐ข๐ฌ๐ฒ๐๐ฆ๐๐ซ๐ 17, 2025 โ ๐๐ข๐ฒ๐๐ซ๐ค๐ฎ๐ฅ๐๐ฌ, ๐๐ค๐-2 ๐๐ซ๐๐ฐ ๐ง๐ ๐๐๐ ๐ก๐๐ก๐๐ง๐๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐ฉ๐๐ง๐ ๐๐ง๐๐ค๐๐ง ๐ง๐ ๐๐๐ง๐ ๐ข๐ง๐จ๐จ๐ง (๐๐ข๐ฆ๐๐๐ง๐ ๐๐๐๐ข/๐๐ข๐ฌ๐ ๐๐ ๐๐๐ฅ๐ฅ๐จ)
Paggunita kay San Juan de Mata
Unang Pagbasa I Genesis 49, 2. 8-10 | Salmong Tugunan l Salmo 71
Ebanghelyo: Mateo 1, 1-17
Ito ang libro pinagmulan ni Jesucristo, anak ni David at anak ni Abraham. Si Abraham ang anak ni Isaac, si Isaac ang ama ni Jacob, si Jacob ang ama ni Juda at ng kanyang mga kapatid. Si Juda na ama ni Parez at Zerah si Tamar ang kanilang ina, Si Parez ang ama ni Erson, at si Erson ni Aram. Si Aram naman ang ama ni Aminadab, si Aminadab ni Naason, si Naason ni Salmon. Si Salmon ang ama ni Boaz, at si Rahab naman ang kanyang ina. Si Boaz ang ama ni Obed, si Ruth ang kanyang ina. Si Obed naman ang ama ni Jese. Si Jese ang ama ni Rehoboam na ama ni Abia, at sumunod naman ang mga hari ng sina Asa, Yosafat, Yoram, Ocias, Yoatan, Ahaz, Ezekas, Manases, Amon, at Yosias. Si Yosias ang ama ni Yekonias at ng kanyang mga kapatid, sa panahon ng pagkatapon sa Babilonia. Pagkatapos naman ng pagkatapon ng Babiloniaโsi Yekonias ang ama ni Salatiel na ama ni Zorobabel. Si Zorobabel ang ama ni Abiud, si Abiud ni Eliakim at si Eliakim ni Azor. Si Azor ang ama ni Sadok, si Sadok ni Akim, at si Akim ni Eliud. Si Eliud ang ama ni Eleazar, si Eleazar ni Matan at si Matan ni Jacob. Si Jacob ang ama ni Joseโang asawa ni Maria na siyang pinagmulan ni Jesus na tinawag na Kristo. Kaya may labing-apat na salinlahi mula kay Abraham hanggang kay David sa pagkatapon sa Babilonia at labing apat hanggang sa Kristo.
Pagninilay:
Si Hesus ay tunay ngang tao din gaya natinโdahil may pinanggalingan siyang angkan at pamilya. Sapagkat naging tao ang Diyos sa pamamagitan ni Hesus, naiintindihan ng Diyos kung ano at paano ang maging isang tao. Bagaman, si Hesus ay Diyos ding totoo, tao rin naman siyang totoo. Lalaki rin siya sa pangangalaga ng kanyang mga magulang, dumanas siya ng paghihirap sa buhay. Nakaramdam din siya ng pighati nang mamatay ang kanyang ama na si Jose at ang kanyang matalik na kaibigang si Lazaro. Naghirap siya nang higit pa sa paghihirap natin nang siya ay dumaan sa daan ng krus. At higit sa lahat, dumaan din siya sa kamatayan. Ngunit sa pamamagitan din ni Hesus, natanto nating ang kahinaan ng tao ay hindi isang hadlang sa pagiging tao, kundi isa itong daan upang umasa tayong lubos sa habag at awa ng Diyos Ama. Nang ipinanganak si Hesus dito sa mundo, inangkin niya ang lahat ng ating pinagdadaanan sa mundo. At nang umakyat siya sa langit, dinala niya itong lahat sa Kanyang Ama. Kayaโt lahat ng ating pinagdadaananโsaya, lungkot, at pighatiโay nasa kamay ng Diyos. At anumang nasa kamay ng Diyos ay hindi niya pababayaan. โYan ang biyaya ng pagkakatawang-tao ni Hesus. Manalangin tayo. Salamat Hesus at dinala mo sa iyong Ama ang lahat ng aming pinagdadaanan. Amen. - Fr. Oliver Vergel Par, ssp l Society of St. Paul